Our heritage is defined by acts of courage

Multimedia

,

Thoughts and Essays

Read the full text and video of the speech that Quezon City Mayor Joy Belmonte delivered during the November 30, 2024 Bantayog ng mga Bayani Annual Honoring of Martyrs and Heroes.

Magandang umaga po sa ating lahat. Isang karangalan na maimbitahan sa pagtitipon na ito.

Sa isa sa kaniyang mga akda, ibinahagi ng founding chairman ng Bantayog, ang yumaong statesman na si Jovito Salonga, ang isang mahalagang paalala. Ang sabi niya: “Independence, like freedom, is never granted. It is always asserted and affirmed. Its defense is an everyday endeavor—sometimes in the field of battle, oftentimes in the contest of conflicting wills and ideas. It is a daily struggle that may never end—for as long as we live.”

Sa kasaysayan ng ating bayan, napakarami nang pagkakataon, kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang kahandaan na yakapin ang tungkulin na ito. Ang pagpunit ng sedula ni Bonifacio at ng mga Katipunero sa Balintawak. Ang mapangahas na mga panulat ni Rizal at ng mga kapwa intelektwal. Ang katapangan nina Tandang Sora at ng mga Pilipinang nakipaglaban sa himagsikan. Ang pag-gi-giit ni Quezon sa kasarinlan ng bansa. Ang pagmartsa ng mga sundalo sa Bataan. Ang pagtindig ng libo-libong Pilipino sa gitna ng Batas Militar. At ang pagtitipon ng sambayanan sa EDSA, para ilunsad ang bagong simula ng ating demokrasya.

Our heritage has long been defined by so many acts of courage and love of country. There is a wealth of examples of Filipinos rising to the moment, buckling up for difficult battles, and prioritizing the greater good over personal safety and gains. And yet, it is heartbreaking to admit that we seem to be on the constant brink of forgetting, slipping into complacency, and a misleading belief that the atrocities we triumphed against will no longer happen again. Despite the earnest efforts of historians, advocates, and inheritors of movements, we must acknowledge that we are currently failing to bridge the gap between our past and present. It is devastating that so many of our nation’s core moments have been relegated to stock knowledge—never as lived experiences, whose lessons must be passed on to generations.

Evidence affirms that historical memory and identity “are inseparable from each other” 1—and the preservation of memory “is the most essential condition” for self-determination. Ibig sabihin, ang kolektibo nating pinagdaanan at alaala ang nagtatakda ng ating pagkaka-kilanlan. We have seen the example of countries, such as Vietnam and Germany, which actively reinforce their collective memory. Their intentional emphasis on their past—no matter how dark it may be—seem to pay off, with their citizens keenly aware of who they are and what their forefathers had gone through to shape this identity. When we recall the courage of those who fought for our independence, we remind ourselves that freedom was not handed to us—it was asserted, defended, and nurtured through the blood, sweat, and tears of our forebears. It is this act of remembering that reinforces our commitment to protect what they have fought for. Memory serves not only as our anchor to the past, but our beacon for the future.

In this light, Senator Jovy Salonga’s words feel heavier. He said freedom and independence are “always asserted and affirmed.”

That doing so is a struggle you fight through during your lifetime. But how do you do this, in a society that tells you it is more convenient to simply forget?

Isa ang Bantayog ng mga Bayani sa mga espasyo na sumasagot sa tanong na ito. Sa loob ng higit dalawang dekada, naka-angkla ang inyong pagkilos sa alaala ng mga nangahas na bumoses at tumindig para sa karapatan at kalayaan ng taumbayan. Sa pirasong ito ng ating lungsod, binibigyan ninyo ng buhay hindi lang ang masasaklap na aral ng kasaysayan, kundi ang hindi matinag na puso ng mga Pilipino na tumaya sa bayan at sa kapwa. Sa inyong mga pader nakaukit ang kanilang mga pangalan, kasama ang paalala na karamihan sa kanila ay mga ordinaryong mamamayan, na ginawa ang makakaya para sa kapwa, kahit pa iba ang mga paniniwala at karanasan. Sa pag-preserba ng mga sugat ng nakalipas, ang Bantayog ay tumatayong paalala na instrumento tayo ng kalayaan ng bawat isa.

Remembering has been Bantayog’s act of “asserting and affirming” our freedom. In that sense, it is serendipitous that you stand on this patch of land in Quezon City, which itself carries a legacy as the cradle of freedoms.

Marami sa mga pinaka-mahahalagang sandali ng ating kasaysayan ay naganap dito sa ating lungsod. Ang Sigaw sa Pugad Lawin, na naging hudyat ng rebolusyon. Ang pormal na pagkaka-tatag ng Lungsod Quezon, bilang bagong sentro at katuparan ng buhay na may dignidad. Ang matatapang na pagkilos para idiin ang karapatang magpahayag at mamuhay nang may laya. Ang pagkakaisa ng milyon-milyong Pilipino, na nagpatunay ng lakas ng taumbayan. At ang pag-usbong ng pamahalaan at lipunan mula sa lakas na ipinamalas ng sambayanan.

Sa loob ng limang taon, mula nang maupo ako bilang alkalde ng lungsod, pinagtibay ng City Government ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga ahensya, unibersidad, mga organisasyon, at komunidad dito sa QC. Ginagawa natin ito para hikayatin ang lahat na mas maging aktibo sa pagpapanatili ng isang lungsod na progresibo at mapagpalaya.

Malaking parte rin ng layunin na ito ang pagpapalakas natin sa legacy ng Lungsod Quezon bilang pangunahing saksi sa paglalakbay ng ating bayan.

Habang bumibilis ang pagkupas ng kolektibong alaala, sinisikap natin na bigyan ng kulay ang mga makahulugang yugto ng ating kasaysayan.

At the center of this endeavor is a Heritage Trail, which will link important historical sites related to the Katipunan and our forebearers’ fight for Philippine independence. Sa trail na ito, pinagdudugtong natin ang mahahalagang lugar, tulad ng Pugad Lawin Shrine, Apolonio Samson Garden, Tandang Sora Shrine, at Krus na Ligas. Para mahikayat ang ating mga kababayan na dumayo rito, ang balak natin ay magbigay ng “passports”, na puwede nilang patatakan sa pagbisita sa mga sites na ito.

Our vision is to eventually expand this Heritage Trail to form a Freedom Trail, connecting additional sites, which signify the Filipino people’s courage and collective efforts to gain independence and self-determination. Kasama po dito ang Bantayog ng mga Bayani at ang Quezon Shrine and Museum. Kaya we look forward to the redevelopment of the Bantayog park as a learning and tourism destination.

On a more personal note, alam n’yo po, minana ko itong appreciation for the Bantayog mula sa tatay ko na si former Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. When he was general manager of the GSIS, my dad led a fundraising campaign, the product of which, if I recall correctly, is the Wall of Remembrance. This support lived on during his stint as mayor, and paved the way for our continuing partnership.

Sa ating pagkilala sa giting at tapang ng mga bagong bayani ng Bantayog, inaanyayahan tayo na pag-isipan ang maaari nating iambag sa pagpapalakas ng ating kolektibong alaala. Sa mas payapang daluyong, tungkulin natin na panatilihing nag-aalab ang mga kalayaang nakamit ng mga nauna sa atin.

Bawat isa sa atin, may mahalagang papel sa pagsasabuhay ng mga aral ng ating kasaysayan. Aside from the stories we tell, the words we write, and the songs we sing, remembering also manifests in the way we live our lives. In guarding each other’s rights and freedoms every single day. Bahagi ng pag-aalala ang mga paalalang:

  • Alagaan ang isa’t isa.
  • Tumingin lampas sa mga nakasanayang pagkiling o biases, at palawagin ang sakop ng pang-unawa.
  • At maging sandigan ng katotohanan.

Tinatawag tayong tumindig sa mga sandaling kinakailangan.

Bumoses sa harap ng pang-aapi — laban man sa sarili o sa ating kapwa. At patuloy na linangin ang isang lipunan, kung saan lahat ay malayang magpahayag, gumalaw, at mangarap.

Alam ko na marahil marami sa inyo ay napapagod na ring bitbitin ang mga alaala at aral ng nakalipas, sa isang mundong natutukso na tumalikod at makalimot. But as we honor the memory of our fellow Filipinos and their acts of heroism, today’s occasion reinforces the fact that national memory is more than a repository of facts and recollection—it is the collective heartbeat of our people, a single thread that connects our past to our present and our future.

By remembering, we honor the sacrifices of those who came before us. By remembering, we protect the freedoms we now enjoy. By remembering, we ensure that the Filipino spirit remains unbroken, vibrant, and free.

Nakasalalay ang ating kalayaan at pagkatao sa kapasidad natin na maka-alala.

Tinatawag tayong lahat na yakapin ang kagitingan na dumadaloy sa dugo natin bilang Pilipino—at magsisimula ito sa pag-alala. Galing dito, dadaloy na ang lahat: sa mga kuwentong ibinabahagi natin tungkol sa ating sarili… sa mga tradisyon at pananaw na ating isinasabuhay… at sa bawat pagkakataon na ipinapakita natin ang pag-ibig sa ating bayan.

Muli, maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

Share the story